3wk na araw shift
Sa susunod na tatlong linggo ay dayshift kami upang mag-travel training. Sana'y maging maayos ang lahat. Ayaw ko man magdayshift dahil sa hassle ang traffic at siksikan sa MRT, wala naman akong magagawa. Ang training na iyon ay dagdag kaalaman na makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas, charot lang! Makakasama namin si Kuya Boyet at kaibigang Xander. Yehey! Isa pang maganda dun ay magiging normal ang buhay namin tulad ng ibang mamamayan. Matutulog kami sa gabi. Pwedeng dumaan ng mall bago umuwi. Makikita na namin ang araw sa bintana ng building. Mas marami ang pwedeng kainan sa third floor ng building. Yahoo! Marami na ang chances kong makakain sa Siomai House. Yun ang d best!
August 21 to September 13
Goodbye Night! Hello Daylight!
August 21 to September 13
Goodbye Night! Hello Daylight!
Comments
Post a Comment