Thankful~
Kung iisa-isahin ko ang mga bagay na dapat kong ipagpasalaamat kay Lord, kulang ang buong buhay ko para sabihin lahat. Hindi man ako ang pinakamayamang tao sa buong mundo, pero isa ako sa pinakamasaya. Napagtanto ko at ilang beses ko na ring nasabi na ang pagiging masaya ay hindi pagkakaroon ng mga bagay na inaasam mo ngunit ang maging mapagpasalamat sa mga bagay na pinagkaloob sayo ng Diyos. Nagpag-isip-isip ko din na hindi pala dapat ako nagkukumpara ng sarili ko sa iba. Sinadya ng Diyos na tayo ay magkakaiba. Ginawa nya tayong Unique. Walang sinuman sa mundo ang magkatulad ang buong pagkatao.
Dati, ang dami kong gustong gawin, mga bagay na gusto kong magkaroon at mga lugar na gusto kong puntahan. Sa isang banda, nakatulong ang mga yon para mag-aral akong mabuti at magsumikap na humanap ng magandang trabaho. Pero, noong nakilala ko si Lord, parang ang naging tangi kong gusto ko sa buhay ko ay ang makilala sya at mamuhay sa kung ano ang gusto nya sa kin. Magmula noon natuto akong magpasalamat kahit sa maliliit na bagay. Unti-unti kong naunawaan kung bakit ang buhay minsan mahirap. Kailangan lang natin aminin na tao lang tayo na may kahinaan, at si Jesus ang ating lakas.
~carla
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Comments
Post a Comment