Ang Others :)

Sabi ko nga, kung ang ugali ng tao ang pagbabasehan ko kung pano ko sila tatratuhin ay baka wala na kong maging kaibigan. Hangga't kaya kong intindihin at palampasahin, kakayanin ko. At nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan kong nagtatyaga at umiintindi ng pagkatao ko. Alam ko hindi ako perpekto at hindi ako santo kaya alam ko na may mga tao rin sa paligid ko na hindi ako gusto. Ngunit hindi naman iyon magiging dahilan para hindi ako maging masaya.

Sa ingay kong to, minsan pinipili ko na lang tumahimik kaysa magreact lalo kung alam kong wala naman akong sasabihing maganda. Kahit masiyahin ako, tao pa rin akong limitado at may emosyon. May kahinaan rin ako. Ang buhay hindi puro joke. Maraming bagay ang hindi ko alam. May mga usapang hindi ako nakakarelate. Pero may kakilala akong alam kong mahal ako ng buong buo. Siya ang lubos na nakakakilala at nakakaunawa sa kin nang isang daang porsyento. He is the Lord, our God. He always remind me to love other the way I love myself.


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post