tR@v3L-7



Ika-pitong yugto ng pagsasanay tungkol sa paglalakbay. Maaga akong nakarating sa opis. Naabutan ko pa si leader sa sleeping quarters. Siya ay matamlay at malumanay magsalita. Halata ang pagod sa kanyang mga mata. Sinabi niya sa akin ang mga nangyari nung gabi. Medyo madami nga daw syang ginawa. Mukha na syang kiwawa. Pero kaya naman nya eh. Si leader ay isang super hero :)

Buti na lang libre ang unli kape sa opis. Hindi ko feel magsiomai kaya wala pa akong almusal. Binili ko sa ministop ang pinakapaborito kong mini cheesebread sa ministop. Kelangan maraming pagkain para hindi tamaan ng antok sa oras ng pagsasanay (training). Samo't saring pagkain ang dala ng mga classmates ko. Many chi-cha to keep us awake. 

Napakarami ng impormasyon ang dapat tandaan at pag-aralan. Napalawak ng bagay na pinag-aaralan namin. Kung gustong matuto dapat syento porsyento ng atensyon ay nakatutok sa tagapagsanay namin na hindi nagtatagalog. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang antukin at mawawala ka sa hulog. Ang hirap labanan. Sana may mga laro para mabuhay naman ang dugo namin. Ang gusto ko ngang laro ay pahanaan ng tulog o pahabaan ng lunch break at hindi ako papatalo syempre.

Nipag-uusapan namin ang paglipad sa himpapawid sakay ng erplen. Sana pwedeng maglakbay sa panaginip na lang. hehe!

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post