Training Day 5 - Paglalakbay

Aug 27 - Heroes' Day
Double Pay
Training Mode

I wore a pair of wedge for change. Mas tumaas ako ng ilang inches. Nag-iba ang lakad ko. Mas marami akong natatanaw, haha! Mas muka akong girl. At mas mahirap maglakad.

So much about that wedge. Training pa rin kami. This is our 5th day. We started at 7pm. Sa totoo lang hindi masyadong nagsink-in sa kin ang new sched. Buti na lang holiday at hindi ako natraffic. Sakto lang ang dating ko. As usual, we took a 14-item quiz. Meron pa ring team work. We were trying our best to enjoy the training kaya chat chat lang kami ng mga kalokohan. In fairness magaling si trainer. Nagagawa nyang patandaan sa min ang mga bagay bagay na never heard even once in our lives before. Ang isa pa sa masaya sa training na ito ay ang maraming pagkain sa paligid. Walang lugar ang gutom. Ngunit dahil sapagkat hindi pwedeng lumabas ng room ng madalas we needed to hold our wiwi until the next break. Madalas naman ang CR at yosi break. Almost every hour meron. Laging may marathon papuntang CR. At kami ni Ana ang nangunguna. Hehe..

Pinipilit kong unawain ang mga bagay na tinuturo ni trainer. Alam kong ang mga iyon ay kakailanganin ko rin sa hinaharap. Nawa'y maging maganda ang resulta ng lahat ng eto.


Lord, may exam ulit kami tomorrow. Please guide us. Thanks Papa God! :)


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post