My First Cartimar Experience
Sumakay ng MRT papapuntang Taft, sumakay ng LRT at bumaba
ng Gil Puyat Station. Naglakad pabalik, mahabang lakad na halos matanaw na ang
LRT Station bago ang Gil Puyat. Tumawid ng kalsada. Cartimar - ang sabi sa
nakapaskil na sulat. Dun pala yun. Muka lang syang simpleng pamilihan. May
Savemore pa nga sa tapat. Wala masyadong tao. Mula sa labas natanaw namin ang
mga sapatos na nakadisplay. Pumasok kami sa loob at tumambad sa min ang di
mabilang na tindahan ng mga class A na sapatos. Halos nabisita namin ang lahat
ng stall pero wala hinahanap kong PONY - isang store lang meron at isang design
lang ang meron sila for ladies. Pink and Cream ang kulay. Baby pink pa nga.
Maganda sya pero sana may ibang options pa ko. Hays! Sa boys ang medyo may
ibang designs. Two pairs of hi-cut converse (blue and pink) for Ana and one
pair classic black low-cut for me. Grabe! Nakakatuksong bumili ng marami. Super
hindi halatang japeyk. I controlled myself to buy more than one pair. Mahirap na.
Masaya na ko sa nabili ko. For sure, babalik kami dun.
And that's my first Cartimar experience. Hehe!
Comments
Post a Comment