paa ko, ouch!
Maulan kaya naka-jelly shoes ako. That is how they call kahit made of plastic naman sya at hindi jelly.
Sakay ako sa jeep, maluwag, onti lang sakay na tao. Komportable akong nakasakay. Habang umaandar ang jeep, may pailan-ilang pumapara at sumasakay. Ang hindi ko malilmutan ay yung isang manong. Habang nagdedesisyon sya kung san uupo, natapakan nya yung paa ko; sa kin okay lang dahil mukang hindi naman nya sinasadya. Pero!! naulit pa ng isa pa at isa pa at isa pa! Hindi na lang ako nagsalita pero tinignan ko sya nang masama. Alam kong hindi kagandahan ang paa ko pero sabi nga ni Ana, hindi naman sahig ang paa ko. Gerbey na manong yun! Ni hindi man lang nagsorry! Masakit eh!
Comments
Post a Comment