anak ng world chicken ka ana!


Madali lang naman akong kausap sa mga simpleng bagay eh. Ana - kaBBM ko. Nagyayang pumunta ng Glorietta. Ilang oras ang nakakalipas, sa Baclaran na lang daw kasi nasira na yung flats nya, oo naman ako. Tapos nag-message sya, Glorietta na lang daw. Mahaba naman ang total hours ng tulog ko eh, kaya oo na lang ako sa kanya. Umalis ako sa bahay ng 4:45 at nakaraing ako ng glorietta ng 5:30, grabe ang bilis ng byahe, nauna pa ko sa bruha, LOL!

Ni-msg ko sya kung nasan na sya, sagot nya, mali daw ang dinaan ng taxi. Sabi ko naman wag na nyang bayaran yung drayber. hahaha! At dahil nipaghihintay nya ako sa mcdo ng walang kinakain sabi ko sa bruhildang yun ay pakain ako. At nalaman kong may nakalaang isang daang piso para sa pagkain ko. Gerbey!! Sinagot ko na lang sya, na ang tanging maiibibigay ko sa kanya ay ang oras ko na hindi mabibili saan man. Naks! Ang oras ang tanging bagay sa buhay mo na hindi mo na pwedeng balikan. :)

Ayun at dumating na rin ang bruha. Naglibot kami dress and shoes sections sa Landmark at dahil petsa de peligro hindi kami bumili ng kung ano. At dahil super nagkicrave na syang kumain sa World Chicken, doon na nga kami nagtungo. Good thing she treated me <big smile>. Ako naman, nibili ko sya ng tea. 
fast forward >> kumain na kami,kumonek sa wifi, bumili sya ng earphone at flash drive sa cdr king, sumakay ng mrt, pinilit ang mga kuya sa Zen Tea na pagbilhan kami kahit sarado na sila tapos umakyat na sa opis. 

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post