Busy

Dear Blogspot, alam mo ba napakabusy sa work kagabi? Ang daming requests at tanong ng mga mahal kpng clients. Minsan nga hindi ko na napupuna ang takbo ng oras. Hindi naman ako nagrereklamo. Masaya naman ako sa trabaho ko. May mga pagkakataon lang talaga na sabay sabay ang dating ng  emails at tickets. Buti na lang mayaman kami sa sticky notes. Pinaka-effecttive talaga sa kin ang sinusulat ang mga gawain at ipaskil sa workstation ko. Mas madali kong naaalala ang mga dapat kong gawin. Ngayon nga kelangan kong may 3 excel sheets na nakabukas pero isa pa lang ang pinagkaloob sa king monitor kaya kelangan paliitin ko sila. Diskarte lang talaga. Kahit abala ako sa maraming bagay kelangan ko pa ring tulungan ang aking kapwa SA. Hehe!


Napaka-productive lang ng shift na yun. Last shift of the week na tonight. Lord, ikaw na pong bahala sa akin. Bigyan nyo po ako ng presence of mind para magawa ko ng tama ang trabaho ko. I love you Lord.  Amen.

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post