Shades
Hindi ako mahilig sa shades. Totoo yun. Hindi ko lang sya feel. Actually, isa pang reason ay wala syang kakapitan. Ako ay Pinoy na hindi katangusan ang ilong. Saka mas gusto ko maliwanag ang nakikita ko. Maganda naman ang mga mata ko e. Naks! Haha! Kaya hindi ko dapat takpan ng shades. Sa larawan na ito, napatripan ko lang suotin ang bagong shades ni Rexy. O di ba, mukha akong dragonfly. Halatang halata ang kakarampot kung ilong. Pero meron namang sigurong shades na bagay sa hugis ng aking face at nose. Nitatamad lang ako maghanap. Mas gusto ko pa rin sneakers. Hehe!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld
Sent from my BlackBerry® wireless handheld
Comments
Post a Comment