randOm uPdate
Parang ilang linggo na rin akong walang bagong posts. Minsan marami akong gustong sabihin pero tinatamad akong isulat. Sabi ko nga hindi rin lahat ng nasa isip dapat sinasabi. May mga bagay na mas magandang nanatili na lang sa isipan. Naks! At ngayon dahil paos ako at pinipilit kong gamutin kong kawalan ko ng boses, type type muna ako dito. Katatapos ko lang gawin ang mga trabaho ko. Mukha naman hindi ako nagkukulang sa pangagailangan ng mga kliyento ko. Ako na, ako na talaga ang masipag na manggagawa ng software company na to. Hahaha! Ano nga pala ang tagalog ng "software". Ang hirap naman sagutin. Pero bahala na. Baka igoogle ko na lang sya next time. hehehe!
Ano pa bang pwedeng sabihin?! Pink ang theme ng windows ko. Marami akong candies dito sa workstation ko. Maraming nakadikit na star stickers sa monitor ko. Meron akong violet na keychain na binigay ng mabuti kong kaibigan na si Ana at galing pa yun ng Malaysia. haha! Baka mamaya may matino na akong maisulat. Minsan emo ako and I wanna write it here but my fingers are tired to type lang.
Comments
Post a Comment