I've waited so long for You (NBi Clearance)

Darating ng 5am at matatapos ng 2:30pm. Walang kasama at walang kausap. Isa rin ang pagkuha ng NBi clearance sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng new company. Grabe sa tagal oras. Sa sobrang haba, para ka na ring bumuno ng isang shift sa trabaho. 

Marami namang tao pero parang wala ako sa mood makipagchikkahan sa kanila. 5am pa lang, hundreds na yung tao....Maswerte pa rin ako kasi 255 ang number ko. 

So anyways.. may ilan akong napulot na ewan - mga usapan at gawain ng mga tao sa paligid na wala lang..
Yung isang kuya, naglabas ng papel na nakatupi, pang grade 1.. dahan-dahan nyang binuklat..at ang laman pala nito ay Johnson's Baby Powder.Sabi nya sa kumpare nya .."Pampapogi to pare, gusto mo?". Toinks!!

Ang masayang points sa mga moments na yun ay ang fact na nasa loob ng Robinsons Mall ang NBi branch na eto. Naroroon ay may pwesto ng paborito kong Siomai House. yipee!! Hindi ko pinalampas ang pagkakataon.
So there... nangyari na nga ang ninanais ko.. Kumain ako ng pork-shrimp siomai plus gulaman.

Bukod pa roon, ay meron din akong Goya - cookies and cream. 
Tapos ayun.. tapos na umuwi na ko nang makuha ko ang NBi clearance ko. Busog pa ko ^_^


P.S.
Nagtext si Anatoly - sabi nya "Last 5 days" >> Nalungkot ako bigla :(
Nagtext din sa Marky - nagpapabili ng kasoy. >> No emation.

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post