Bakit
Minsan kahit ang sama-sama ng loob mo hindi mo masabi kasi wala rin yung magagawang mabuti. Sana pwedeng tumakbo na lang bigla sa malayo at umiyak. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga bagay-bagay na nagpapasaya sa kin. Hindi ko sigurado kung totoo ba ang lahat ng naririnig ko. Alam ko dapat hindi ako magpaapekto pero til ba kusa akong nasasaktan sa mga nangyayari. Matigas lang talaga ang ulo ko minsan. Hindi ko alam kung sino na ang dapat kong pagkatiwalaan. Ayaw ko lang mapaglaruan. Sino bang may gusto? Parang maraming nagpapakita ng mga magagandang ngiti hindi ko alam kung ano ang totoo. Kadalasan sinasabi ko nang ayaw ko na, pero hindi ko magawa. Nasa isip ko lang madalas ang mga ito at gustong kong mailabas. Hindi man nila marinig, naisulat ko naman. Kahit papano okay na ko sa ganun.
Comments
Post a Comment