Posts

Showing posts from March, 2013

eat and sing

Image
After the team's night out - buffet and ktv, Pia and Wil had to visit the office for something urgent and gross. Haha! We gotta unload some waste. I hope ya get what I mean. I honestly had a lot of fun eating and singing along with the SA folks and our Director. Tong Yang for buffet then to Center Stage for videoke. Haha! We had our mini concert there. Oh well! We do love singing a lot. Kung ano-ano lang ang mga songs na pinag-seselect namin. Hays.! And now... eto nga kaming tatlo sa office, papalipas lang ng oras. Uwi na rin maya-maya pag safe na. I'm currently playing some songs =)

Shades

Image
Hindi ako mahilig sa shades. Totoo yun. Hindi ko lang sya feel. Actually, isa pang reason ay wala syang kakapitan. Ako ay Pinoy na hindi katangusan ang ilong. Saka mas gusto ko maliwanag ang nakikita ko. Maganda naman ang mga mata ko e. Naks! Haha! Kaya hindi ko dapat takpan ng shades. Sa larawan na ito, napatripan ko lang suotin ang bagong shades ni Rexy. O di ba, mukha akong dragonfly. Halatang halata ang kakarampot kung ilong. Pero meron namang sigurong shades na bagay sa hugis ng aking face at nose. Nitatamad lang ako maghanap. Mas gusto ko pa rin sneakers. Hehe! Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Joy

Image
Happy Monday! 3-11-2013 Will be back at work tonight. I don't know what clients have for me this week but I'm ready. Haha! Ako na ganado magtrabaho. Ewan ko ba. I'm surrounded by people I love when I'm at work. Taong matatakaw, mababait daw, makukulit at maiingay. Teka! Sasabihin na naman nila ako lang ang maingay. Haha! Okay lang yun masaya pa rin naman. Wala silang no option sa kaingayan ko. Pero hindi na ko sing ingay ng dati. Siguro. Some of my friends ask me, why I'm always happy. Dahil ginusto ko lang. Yun naman yun e. Tayo pa rin ang nagdedesisyon kung anong gusto natin at the end kahit marami tayong mga opinion at advices na naririnig sa mga tao sa paligid natin. But most of all, I smile because I know GOD is always with me :) I maybe single and no boyfriend right now, GOD loves me. Siya na bahala sa love life ko. Haha! Ang daldal ko. Haha! Ang dami ko na namang nisasabi. :) Smile Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Food Trip

Image
Yung totoo? Hindi kami mahilig sa pagkain? Haha! Sobrang hilig lang. Haha! Araw-araw na lang kung saan-saan kami napapadpad para kumain after shift. Di magtatagal malilibot na namin lahat ng kainan dito sa Makati. Ngayon dito kami sa 101 Hawker Food House. Korean food ang peg nila. Masarap naman. At in fairness super affordable. Ay naku, ako na maraming friend na matakaw. Oh katabaan, layuan mo ako. Haha! I love Food! I love siomai! I love cheesecake! Sent from my BlackBerry® wireless handheld

He knows my Heart

Image
Ako ay loveless. Wala akong boylet. Hindi naman ako malungkot. Minsan may mga taong sadyang mahilig mag-match -- love match. Madalas kang tuksuhin sa kung sino-sino. Sa akin okay lang naman. Maiigi na yung di nila alam kung sino ang totoong gusto ko. Haha! Masaya na kong makasama o makausap kung sino man sya. Kung sya ang nakalaan na para sa kin, si Lord na ang nakakaalam. Hindi naman ako nagmamadali. The right one will come in God's time. He knows my heart very well. Alam ni Lord kung sino ang tatanggap sa buong pagkatao ko. Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Sleepy Me

Image
I feel sooooo sleeepy. Antok na antok na talaga ako. Basta talaga Monday shift wala akong tulog. I planned to go home earlier pero nagpasama na naman ang tropa sa Boni area. Kelangan maghanap ni Marsha ng malilipatang apartment kaya nag-please sya sa amin na samahan siya. Kami naman ay madaling kausap basta may food trip after. Medyon windang na talaga ang pakiramdam ko sa kaantukan. I left home so early yesterday afternoon and had a coffee session with my friend maldito. So there, more than 24 hrs talaga akong gising. Anyways, we headed to R and J's Bulalo after the lakad lakad portion. Kain na naman. Haha! Ang takaw nga talaga namin. There were bulalo, pancit, lechon kawali, squid barbeque, etc. Mas lalong lumalala ang aking kaantukan nung mabusog ako. Ay grabe! After ng konting kwentuhan, uwi na. Tulog ako sa buong byahe kahit sa tricycle. Hay makatulog na nga. Parang ang sarap matulog sa ulap. Hehe! Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Ohhh Saturday

Image
It was a long tiring Saturday yet a very happy one. Food, videoke and shopping with office friends then a bonding time with kiddos. My body is so used with shorter sleep now. It is maybe not good but I'm not sure. Living everyday as if it is the last. Sent from my BlackBerry® wireless handheld