Longer Night

Kapag sinwerte ka nga naman sa dami ng requests na kelangan gawin sa isang araw. Yung tipong 30 mins na lang uwian na pero hindi ka pa makakaalis dahil kararating lang ng requests tapos urgent daw. Hindi ko rin sila masisisi dahil nasa kabilang dako sila ng daigdig at iba ang takbo ng orasan nila dun. Gustuhin ko mang tapusin agad-agad may iilang bagay pa rin na hindi magagawa nang madalian. Dalawa't kalahating oras na OT. Umuwi mag-isa. Medyo mataas na rin ang araw. Buti na lang sa girl's section ng MRT ako nakasakay dahil medyo maluwag. Okay lang kahit hindi nakaupo. Halos may relasyon na kami ng steel na hawakan dahil sa pagkakayakap ko dito. Sobra na ang antok ko. Kahit nakatayo lang ako, nanaginip agad ako pag napipikit ako. Gustong gusto ko na matulog! Waaah! Bago pumasok kagabi, 2 oras lang tulog ko kaya ganoon na lamang ang aking antok. Tapos biglaan namang may eksena ang tren sa MRT. Halos 5 mins ang waiting time per station. Buntong hininga na lang ako. Pagbaba ng Shaw Blvd Station, lakad lakad lakad papunta sa sakayan ng FX sa likod ng Shang. Matapos ang ilang minuto nakasakay din ako. At pag-upong upo ko ay tinawag na agad ako ng liwanag. Nakasuksok ang aking earphone sa tenga ko habang syempre tumutog ang mga paborito kong kanta na lalong nagpapahele sa kin. Nung mejo naalimpungatan ako, nakita ko na lang na may iba ng mga pasahero pero I don't ker..e.e.err. Sinamantala ko na ang pagkakaron ko ng malay para magbayad tapos balik loob ulit ako sa liwanag. Ang alam ko mahimbing ang tulog ko at saktong malapit na sa babaan ng ako ay magising. Matapos nun, lakad naman ulit papuntang sakayan ng tricycle tapos bahay na. Syempre, kiss sa mga babies tapos kakausapin sila at binigay ko ang pasalubong nila. I'm still a mom at the end of the day.

Akyat sa taas. Lapag ang bag. Higa agad. Tapos post nitong pinagsasabi ko. Pero nakakaamoy ako ng medyo mapanghi. Andito pa pla ang arinola na ginamit nila kagabi. Kakainis lang. Hamabaho.

Nakakapagod pero pasalamat pa rin ako kay Lord. Alam na nya yun kung bakit.



Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post