kaibigan at kaklase noong sekondarya

Hindi na ko kasing sipag dati sa pagpopost sa blog. This happens when I'm relaxed yet busy with work or something. Balita? Nagkita kami ni Henny at Bhing ~ highschool friends. Enjoyed the puyatan moment. Kumain sa Chicboy at nanood ng MYMP. Bago yun, pumunta kami sa album launch ng Spongecola sa Eastwood. Got the pictures uploaded on my FB. Ayun..masarap lang pagkwentuhan ulet ang mga nakaraan sa buhay estudyante. Yung tawang totoo. Puro jokes at kalokohan. Mas conscious na nga kami sa oras ngayon dahil pare-pareho kaming may trabaho na. Sila yung mga taong kilala ang tunay na ako. Yung simpleng ako. Dahil nga sa public school kami nagtapos, masaya kami sa simpleng buhay lang. Nakakatuwa lang malaman kung ano nang naging buhay namin sa ngayon. Hindi man yun yung gusto namin nung nasa school pa kami ang mahalaga, masaya kami ngayon. Sana nga, makita at makasama ulet namin yung iba naming friends. Kumusta na kaya sila.. Nakaka-excite lang makita kung ano nang hitsura nila ngayon, lalo na yung mga crush ko. hahahaha! ay naku! :) 
Tama na nga to, baka makwento ko pa ang zero lovelife ko nung highschool, so it means wala akong maikkwento. hahaha! 
~ till may next blog post... baka maya maya din :P

Comments

Popular posts from this blog

Normal na araw

up or down

Temporary Post