Salamat Lord!!
Wala akong boyfriend, hindi kami mayaman pero masaya ako ang buhay. Minsan nakakaramdam ako ng pag-iisa pero nasa isip ko lang yun dahil alam kong lagi kitang kasama. Pwede kitang kausapin kahit anong oras, kahit saan. Ikaw ang higit na nakakatulong sa kin higit kahit kanino pa man. Alam ko Lord, marami akong pagkukulang sayo, marami akong kasalanan at madalas kong hindi nasusunod ang utos mo kaya patawarin mo po ako. Tulungan mo ako, na laging magdesisyon ayon sa kalooban mo. Tulungan mo po akong magkaroon ng mas mahabang pag-unawa at pasensya sa mga tao at pangyayari sa aking paligid. Marami po akong gustong matamo sa buhay ko ngunit higit dun, mas gusto kong mangyari kung ano ang plano mo sa buhay ko Lord. Ikaw ang nakakaalam kung ano ang makabubuti.
Salamat rin po Panginoon, dahil hindi buo pa rin ang pamilya ko kahit madalas may pag-aaway na nagaganap. Ikaw na pong bahala sa amin Lord.
We love you Lord God. In Jesus Name, Amen....
Sent from my Black...