Posts

Showing posts from April, 2013

Lez give it a try.

Image
Am I just afraid to be in it again? Or should I say that I'm just trying to be wiser this time? I wasn't expecting that it would turn out like that. Maybe I'm just a girl who was trying to be understood. I am talkative but I maybe didn't imply what I was really meant. This doesn't feel any comfortable at all. I somehow like what's happening but as what they say I must expect. I just have to go with the flow. I'm still a girl who's longing for love and care. I need security. I know I must not demand. I have to take it slow. I hope bit by bit we can go along perfectly. If unspoken words will come out, so be it.

Wednesday Nothing

Halos araw-araw sinasabi ko sa sarili ko na dapat mag-post ako sa blog, mag-post sa blog. Ang isip ko ay naliligaw sa kung ano-anong mga bagay sa ngayon. Hindi ko alam kung sinong pwedeng kausapin. Gusto ko lang malaman kung normal pa ang nangyayari sa buhay ko. Haha! Ang baliw baliw ko lang minsan. Masaya ako sa mga bagay na alam kong hindi mauunawaan ng iba kahit anong explain ang gawin ko. Minsan okay rin siguro ang mag-explore at maging pasaway ng konti. Yun ay hindi dahil sa boring ang buhay ko, kundi para mas makilala ko pa ang sarili ko. Thanks, Carla | Service Administrator Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Random Friday in a Coffee Shop

Image
Tulad ng dati, hindi ko alam kung pano ko sisimulan e. Marami akong mga nasa isip na gusto kong sabihin. Mga pagkakataon na nais kong isulat lahat ng nangyayari para pwede kong basahin ulit pag lumipas na ang panahon. Pero pakiramdam ko busy ako lagi. Ang buhay ko ngayon, ay ganun pa rin, masaya pa naman. Salamat sa mga katrabaho at kaibigan ko. Love life? Zero pa rin. Ang mga kids ko, ayun sobrang kulit pa rin. Ang trabaho ko, minsan mahirap pero naiiraos naman. Ang hindi ko lang makaya ay ang init ng araw. Summer na summer na talaga. Hehe! At eto, adik pa rin ako sa music, sa siomai, sa FB, sa twitter. Hay naku! Hindi naman siguro ako nagiisa. Masasabi ko lang, thank You Lord, sa payak kong pamumuhay! :-) Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Movie tally

Nang matapos ang trabaho, it's movie time. Horror ang peg. Kamusta naman ang pagtili ko? Hahaha! Medyo babawasan ko muna ang pagkakape. Hawak ng bongga sa puso baka mahulog. Sent from my iPod

Oras lang

Minsan talaga nawawalan na ako ng oras sa ibang bagay sa buhay ko. Minsan pakiramdam ko ang dami kong gustong gawin pero hindi sapat ang buong araw para magawa yun. Kelangan ko lang sigurong iwaglit sa isip ko ang mga kung ano-anong hindi naman talaga. Dapat ko nang kalimutan ang mga nais ko na hindi naman talaga totoo. Hindi naman sa sumusuko na ako ngunit kung hindi rin naman magkakaroon nang saysay mas mabuti pang ituon ko na lang ang oras ko dun sa mga taong tunay ang pagke-care sa kin (kung anuman yan sa tagalog). Ah basta! Itong pagka-emo ko ay hindi naman kalaliman. Nais ko lang maisulat para kahit papano, humampay ang hindi ko talaga mabigkas na nararamdaman ko. Bahala na. Alam ko si Lord ay hindi ako pababayaan kahit ano pa man ang mangyari.